sa aking pag-uwi, ako'y nakangiti
masaya't namamangha sa aking nakikita
naaaliw habang pinagmamasdan ang mga ilaw
mga ilaw na nagbibigay liwanag
at sa aki'y nagmulat, ulan pala'y pumapatak

ako'y lubos na nagpapasalamat
sa hatid Niyang liwanag
ako'y namulat sa umaapaw na pagmamahal at biyaya
madalas hindi makita ang bawat patak ng ulan
simbolo ng Kanyang walang hanggang pag-ibig at katapatan

muli't-muli akong magpapasalamat
dahil sa liwanag na nasilayan
at sa patuloy na pagsibol ng pag-asang minsa'y pinagkait ng kadiliman
ngayo'y batid ko na ang kasiyahan
at patuloy na pagmamasdan ang kagandahan ng buhay

Comments

Popular posts from this blog

I just can't contain it

"'Di Bale ng Sobra, Basta 'Wag lang Magkulang"

challenged